
Another chapter is about to unfold...
Yesterday, I made my mom very very very worried. As in to the max! Sobrang na-guilty ako nung nalaman ko yun. Ganito kasi yun, I was in UP for an overnight activity last Tuesday. Sobrang pahirapan pa bago ako payagan na mag-overnight. Buti na lang at pinayagan. I was supposed to call or text her in the morning para iconfirm na I am OK.
Sa sobrang kabangagan, nawala sa isip ko at naalala ko na lang nung tumatawag siya nung Wednesday morning. Kainis naman na phone dahil kung kelan ko sasafutin yung tawag, laging namamatay. Ang sarap ihagis. Mga 11:15 na ng makarating ako sa MRT. Tinext ko na Mommy ko na pauwi na ko. Maya-maya tumawag siya, nasa jeep daw siya papasok ng Campus! Grabe pinuntahan na ako! Hala! Sa phone pa lang pinagalitan na ko. Opo, it was really really my fault. Hinintay ko siya sa MRT station tapos umuwi na kami. Sobrang worried yung mukha ng Mommy ko...
Kanina ko lang nalaman kung ano nang lagay niya sa bahay nung di niya ko macontact. Tinanong ako ng tita ko kung anong nangyari sa kin. Nung sinabi ko na di lang ako makatawag, si Mommy naman ang nagkuwento. Sabi niya habang nakasakay daw siya ng MRT, halos di na daw siya makahinga sa sobrang kaba. Nanlalambot daw siya na nanlalamig. Grabe, sobrang na-guilty ako.
Haaay... Mga nanay nga naman. Ironic, dahil boto siya sa pagpasok ko sa PMA pero sa overnights, pahirapan pa para mapapayag siya. Pero, sabi nga sa TV, gusto lang naman nilang sabihin na mahal ka nila... Well, I Love You din Mommy!